Wednesday, 15 February 2012

Mapalad

Napakapalad ng mga kababaihan sa Pilipinas kung tutuusin kung ikukumpara ang kanilang katayuan sa mga kababaihan sa bansang India. Sadyang nakalulungkot isipin na marami sa mga kababaihan sa nasabing bansa ay patuloy na tinuturing na mahina. Patuloy parin ang female infanticide o ang pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae. May ilan parin mga lugar ang nagsasagawa ng sati o ang pagtalon ng balong babae sa apoy habang sinusunog ang bangkay ng kanyang asawa. May ilan pa rin ang hindi nakapag- aasawa dahil sa malaking dote o dowry na hinihingi ng pamilya ng mga lalaki at ilan pang diskriminasyon sa sektor ng kababaihan.
Nakalulungkot lang isipin na may mga bahagi ng ating kultura ang patuloy na nagmamaliit sa mga kababaihan. Mahirap nang baguhin dahil sa atin nang kinagisnan.

No comments:

Post a Comment