Wednesday, 25 April 2012

Palayan


     Ayon sa PAG-ASA, nakakaranas ang Central Luzon ng matinding init ngayong summer season. Umaabot sa 37 degree ang init sa mga probinsyang ito. Pero para sa akin, hindi ko na kailangan pang manood ng balita para maniwala dahil sa naranasan ko ang mala- oven na init na ito.
     Last Saturday, umuwi kami ng mga kapatid ko sa lalawigang tinubuan ng aking ama, ang Nueva Ecija (para sa hindi nakakaalam, ang pangalan ng lalawigan ay mula sa bayan ng Ecija na makikita sa Seville, Spain). Tatlong taon na rin ng huli akong umuwi sa probinsyang ito at halos walang pinagbago. Nandoon pa rin ang malalawak na palayan, ang mga baka at kalabaw na isinusuga, ang kuliglig (means of transportation nila, ito yung ginagamit ng mga magsasaka sa pag- aararo ng pilapil kapag tag-ulan. Nilalagyan lang ng tila kariton sa likod para sa pasahero.), ang balsa sa ilog na mababaw sa panahong ito at sobrang lalim naman kapag tag-ulan at marami pang bagay tungkol sa lugar na kahit lumupas na ang panahon ay hindi pa rin nawawala.
ito yung kuliglig na tinutukoy ko.


















     Kinalakihan ko noon na laging umuuwi sa probinsyang ito tuwing bakasyon. Dati hindi sapat ang isang araw para sa mga paglilibangan. Nandyan yung aakyat ka sa puno para manguha ng bunga ng mangga o kya manghuli ng ibon, sasama sa mga pinsan ko sa bukid para isuga yung kambing, baka at kalabaw, tatumbling sa dayami, sasami sa tiyahin kong mamimili ng paninda sa bayan at marami pang iba.

     Naisip ko lang, ang sarap pa lang maging bata. Wala kang iniisip na paper works, wala kang pinoproblema pagbubudget ng pera. Para sa murang eded, ang problema na ay kung paano mo gugulin ang isang araw para maglibang, paano mo ipapaliwanag sa magulang kung bakit puno ng dumi ang iyong damit (gawain ko nung bata ako na maglaro sa madagtang saha ng saging), kung paano ko makakaiwas sa pagtulog sa tanghali (ito yung ayaw kung gawin nung bata ako, ang matulog sa tanghali, resulta, hindi na ako lumaki hehe..) at paano magpapaliwanag kapag ginabi na ng uwi sa kalalaro ng  piko, patentero, taguan at marami pang iba.

    Minsan matutuwa kang balikan ang nakaraan lalo nat bumabalik ka sa mga lugar na paraiso sa iyo nung ikaw ay bata pa.

No comments:

Post a Comment