Saturday, 12 May 2012

Para saiyo aking ina

     Bukas ay ipagdiriwang natin ang araw ng mga ina. Ma, mom, mother, mama, inay, nay, yang ang tawag natin sa kanila. Minsan nakakainis sila kung magbunganga, parang wala ng bukas pag nag-umpisang magsalita.
Minsan alarm clock mo na ang sermon nila. Hindi maawasan na makipagtalo ka sa kanila kasi ang hilig- hilig nilang makiaalam sa mga gingawa mo.
     Pero kung tutuusin, ginagawa lang nila yan dahil concern sila saiyo. Minsan kapag napagbuhatan ka nila ng kamay, mas nasasaktan pa sila.Minsan sila pa ang unang iiyak sa pagpapangaral saiyo. Kayat huwag nating kakalimutan ang halaga nila. Mahalin nati sila at pasalamatan sa maraming bagay na isinakripisyo nila.

Salamat saiyo aking ina...
Happy Mothers Day
   

Balik Eskwela

    Sarap balikan ang buhay estudyante. Nakakatuwang balikan ang mga ginagawa ko noong nag- aaral ako. May mga bagay na pag naaalala ko ay matatawa na lang ako. Tatlong taon na akong guro at kung tinitingnan ko ang mga mag- aaral ko, minsan hindi ko maiwasan na maikumpara ang sarili ko sa kanila. May mga bagay pa rin pala na hindi nagbabago.
     Narito yung mga bagay na wala paring kupas na ginagawa ng mga estudyante lalo na sa high school.


  • Papel, bow!- Number one na problema namin noon ay ang papel at ballpen lalo na pag-quiz. Naging dialogue na namin noon ang "Pahinging papel" o kaya "pahiram ng ballpen". Minsan may kasama pang pagbabanta yun na "pahinging papel, mamatay na ang madamot".
  • Pahinging pulbos- Hindi lang babae ang may karapatang gumamit ng mga produkto para sa oily face. Minsan pa nga, mas conscious pa ang mga lalaki pagdating sa naglalangis na mukha kaya ang solusyon ay pulbos, Pag nalaman ng klase na may dala kang pulbos, yari ka at bago matapos ang araw, said na pulbos mo. Dati may kaklase ako na nagdala ng puuuuuulllllllllbbbbbboooosssssssss na ginagamit ng mga barbero ( ito yung pulbos na nakalagay sa malaking lagayan na ginagamit sa mga suki mong barberya). Katwiran niya para hindi maubos agad. Pagkatapos hingian ka ng pulbos badtrip ka pa dahil pati ang bag mo ay hindi sinasadyang napulbusan.
  • More heads are better than one- Kadalasang gawain ito ng mga mag- aaral pag may pagsusulit. Bayanihan ang tawag ng mga estudyante ko dito, Yung tipong isa ang supplier ng sagot at yung iba, mga parasitiko na, naghihintay na lang ng sagot. Madalas kapit sila sa malakas. Naalala ko noong high school ako may classmate kami na matalino sa TLE namin na electronics kaya lahat kami kapit sa kanya. Pag may assignment, ang sagot niya ay sagot na ng buong klase. Parang tsismis lang na kapag nakopya na ng isa ay mabilis na kumakalat. Ang dahilan namin, kayang kaya bastat sama- sama.
  • Love team- Elementary palang siguro ay uso na ang ang gawaing ito. Ipapares ka sa kamag- aral mo na sabihin na nating natutulog noong nagsabog ng kagandahan at kagwapuhan ang diyos. At pag nagumpisa ka nilang asarin, pasalamat ka kung tumagal lang yun ng isang linggo.
  • Good morning Maam- Noong 4th year kami may teacher kami na tinawag naming bungo dahil sa humpak yung kanyang mukha. Yung teacher namin sa filipino ay tinwag naming aswang. Halos siguro lahat ng pumasok sa classroom na guro ay may bansag kami na ibibigay sa kanila. Minsan nakakatawa, minsan nakakagalit pero pasalamat naman kami at wala kaming naging guro na nakaalam sa mga bansag. Kaya siguro ngayon bumabalik yun sa akin. Hindi ko lang alam ay may bansag na rin ako sa mga mag- aaral ko.
  • Pimples na tinubuan ng mukha- Dala ng hormonal change ng mga teenagers, hindi mo maiiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat pero minsan kahit yung hindi tamang pagkakataon ay tinutubuan ka. Minsan nagkakaroon kapa kung kailan mayroong moment tulad ng prom o kya christmass party kung kailan maraming kodakan.
     Marami pa kung tutuusin ang mga bagay na nagpapaalala saiyo sa buhay estudyante. Minsan pag inaalala mo ay matatawa ka nalang at mapapailing. Sasabihin mo nalang "nakakatuwang maging estudyante"